DOH NAGBABALA SA HAZE MULA SA NASUSUNOG NA LANDFILL SA NAVOTAS

NAG-ALERTO ang Department of Health (DOH) sa patuloy na haze mula sa nasusunog na sanitary landfill sa Navotas na posibleng magdulot ng panganib sa kalusugan.

Ayon sa DOH, ang haze ay kombinasyon ng usok at alikabok na maaaring magdulot ng hirap sa paghinga, ubo, pananakit ng dibdib, iritasyon sa mata, at paglala ng sakit sa baga tulad ng hika.

Ipinaliwanag din na ang maliliit na particle nito ay kayang pumasok sa malalim na bahagi ng baga at makaapekto maging sa daluyan ng dugo kapag matagal ang exposure.

Batay sa datos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), “hazardous” ang air quality sa Valenzuela habang hindi ligtas para sa sensitibong grupo ang hangin sa Caloocan, Malabon, Marikina, Quezon City at ilang bahagi ng Bulacan.

Pinayuhan ng DOH ang publiko na manatili sa loob ng bahay hangga’t maaari, isara ang mga bintana at pinto, gumamit ng N95 mask kung lalabas, at maging alerto lalo na sa mga may sakit sa baga at puso.

Hinimok din ang publiko na tumawag sa 911 sakaling may emergency.

(JULIET PACOT)

122

Related posts

Leave a Comment