SUMMER PROGRAMS PINALAWIG NG DEPED

INANUNSYO ng Department of Education (DepEd) ang pagpapalawig ng summer remediation programs mula Mayo 6 hanggang Hunyo 3, 2026 upang matulungan ang mga mag-aaral na nanganganib na bumagsak.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, layunin ng programa na matiyak na walang mag-aaral ang mapag-iiwanan.

“Tungkulin nating siguruhin na ang bawat mag-aaral ay may sapat na suporta,” ani Secretary Angara.

Kabilang sa mga programa ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL), na tutulong sa 3.7 milyong mag-aaral mula Grade 2 hanggang 11, at ang Senior High School Remediation Program para sa 2.1 milyong incoming Grade 12 learners.

Mayroon ding Summer Academic Remedial Program para sa 141,000 mag-aaral na nangangailangan ng dagdag na tulong sa isa o dalawang asignatura.

Batay sa datos ng DepEd, bumaba ang literacy gaps ng 33 percentage points sa Grades 1–3, 16 points sa Grades 4–6, at 28 points sa Grades 7–10.

Ang programa ay alinsunod sa Republic Act No. 12028 o ARAL Program Act, na naglalayong palakasin ang foundational skills ng mga mag-aaral at tiyakin ang kanilang kahandaan sa susunod na antas ng pagkatuto.

(CHRISTIAN DALE)

113

Related posts

Leave a Comment