Kapag hindi na tumanggap ng sahod ETHICS COMPLAINT VS ‘BATO’ DELA ROSA PWEDENG MA-DISMISS

POSIBLENG maibasura ang ethics complaint laban kay Senador Ronald Bato dela Rosa kung kusa niyang hindi na tatanggapin ang kanyang sweldo at allowances habang absent pa rin siya sa Senado.

Ipinaliwanag ni Senate Ethics Committee chairman JV Ejercito, ang pagtanggap niya ng sahod at allowances sa kabila ng hindi pagpasok simula pa noong Nobyembre ang batayan ng ethics complaint laban sa kanya.

Gayunman, binigyang-diin ni Ejercito na nasa pasya pa rin ito ng mga miyembro ng komite.

“Di natin sinasabi, depends on the members, ako naman facilitator lang, ang miyembro magde-decide dahil yun ang basis ng complaint it might be basis for dismissal kasi kung ‘di nya na tatanggapin sahod nya, allowances so wala nang basehan ang complaint pero pag-uusapan pa ng members,” paliwanag ni Ejercito.

Una rito, nanawagan si Ejercito kay dela Rosa na huwag nang tumanggap ng sweldo at allowances para sa peace of mind ng senador.

Ito ay upang maging patas rin sa mga empleyado na sumusunod sa no work, no pay policy.

(DANG SAMSON-GARCIA)

117

Related posts

Leave a Comment