INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalawig ng deadline ng paghahain ng 2025 annual income tax return (ITR) mula Abril 15 hanggang Mayo 15, 2026.
Ayon sa Pangulo, layunin ng hakbang na mabigyan ng sapat na oras ang mga taxpayer upang maayos na makapaghain ng kanilang mga dokumento.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Marcos na ang isang buwang extension ay magbibigay ng pagkakataon sa publiko na makapagsumite at makapagbayad nang walang penalty o surcharge.
Maaaring maghain ng ITR sa pamamagitan ng electronic platforms ng Bureau of Internal Revenue (BIR) o sa mga authorized agent banks.
“Ginawa natin ito para mas magaan ang pagbabayad ng bawat Pilipino, lalo na sa panahong ramdam ang pagtaas ng presyo ng langis,” ayon kay Pangulong Marcos.
Dagdag pa niya, patuloy ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga hakbang upang maibsan ang gastusin ng mamamayan sa gitna ng umiiral na economic pressures.
(CHRISTIAN DALE)
67 