IKINATUWA ni Senador Mark A. Villar ang implementasyon ng Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA), kasunod ng mga naitalang pag-aresto at conviction laban sa mga sangkot sa online financial crimes.
Ayon kay Villar, bilang principal sponsor at author ng batas, nakikita na ang konkretong resulta ng AFASA sa mas mabilis na pagresponde sa mga reklamo at mas matibay na ebidensya laban sa mga kriminal.
Batay sa datos ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), mahigit 90 indibidwal na ang naaresto mula Enero dahil sa pagkakasangkot sa money muling at iba pang uri ng online scam.
Samantala, iniulat ng National Bureau of Investigation (NBI) na mahigit 20 dayuhan ang naaresto noong Pebrero dahil sa social engineering schemes.
Noong Abril 2026, naitala rin ang unang conviction sa ilalim ng AFASA matapos hatulan ng korte ang apat na indibidwal.
Hinimok ni Villar ang publiko na maging mapanuri at maingat sa online transactions habang patuloy ang kampanya laban sa cybercrime.
(DANNY BACOLOD)
76 