3 TIMBOG SA ‘PAIHI’ SA BATANGAS

KALABOSO ang tatlong indibidwal matapos maaktuhan sa ilegal na “paihi” operation sa Bauan, Batangas.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Batangas Provincial Field Unit, sinalakay ng mga operatiba kasama ang territorial police units ang operasyon sa Barangay San Pedro.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Mar,” “Win,” at “Boy.”

Naaktuhan umano ang mga ito na nagsasagawa ng ilegal na pagsasalin ng produktong petrolyo mula sa tanker truck patungo sa mga walang lamang Intermediate Bulk Containers (IBCs) at drums nang walang kaukulang otorisasyon mula sa Department of Energy (DOE).

Nakumpiska sa operasyon ang isang tanker truck na may kargang tinatayang 20,000 litro ng produktong petrolyo, anim na IBCs na may diesel, apat na drums na may unleaded gasoline, isang IBC tank na may kalahating laman na unleaded gasoline, at iba pang gamit sa ilegal na operasyon.

Tinatayang aabot sa mahigit P5.5 milyon ang halaga ng mga nakumpiskang ebidensya.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kaukulang kaso.

(TOTO NABAJA)

115

Related posts

Leave a Comment