PATAY na nang matagpuan sa kalsada ang isang 32-anyos na lalaki matapos umalis sa kanilang bahay sa Tanza, Cavite.
Kinilala ang biktima sa alyas na “Kelvin,” residente ng Barangay Punta II, Tanza, Cavite.
Ayon sa nakakita na si alyas “Yolando,” bandang alas-9:00 ng umaga nang mapansin nito ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa Barangay Punta II.
Agad nitong ipinaalam sa security guard ng subdibisyon na siyang nagreport sa pulisya.
Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na umalis umano ang biktima sa kanilang bahay noong Mayo 4, 2026 at hindi na nakabalik hanggang sa matagpuan ang kanyang bangkay.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.
(SIGFRED ADSUARA)
111 