Tulfo kinuwestyon pag-atake ng Iran SAFE PASSAGE NG PINOY SEAFARERS SA STRAIT OF HORMUZ PINATITIYAK

NAIS malaman ni Senate Committee on Foreign Relations Chairman Senator Erwin Tulfo kung bakit inatake ng bansang Iran ang isang Maltese-flagged container na may lulan na 24 Pinoy seafarers noong May 5.

Ito ang pahayag ni Sen. Tulfo sa isang radio interview noong Sabado.

Pito ang sugatan kung saan tatlo ang malubha sa pag-atake ng isang drone, na pinaghihinalaan na galing sa Iran, sa nasabing container ship.

“Gusto sana natin marinig ang dahilan kung bakit inatake ng Iran ang naturang barko gayong may unawaan naman tayo at ang bansang Iran last month na papayagan maglayag sa Straight of Hormuz ang mga barko na may Filipino seafarers,” ani ni Sen. Tulfo.

“I will ask DFA Sec. Tess Lazaro to ask the Iranian Embassy here kung valid pa ba yung promise nila na hindi gagalawin Pinoy seaman na dumadaan sa Strait of Hormuz,” dagdag pa ng senador.

Sinabi ni Tulfo na nagpapasalamat siya sa Republic of Iran sa naging kasunduan noong isang buwan kung saan mahigit 1,000 Filipino seafarers ang ligtas nang nakadaan sa Strait of Hormuz.

Ayon pa sa senador dahil sa nasabing insidente noong May 5, maraming Pinoy seaman ang stranded ngayon sa Strait of Hormuz.

Nangako naman si Lazaro na makikipagpulong kay Iranian Ambassador to the Philippines Yousef Esmaeilzadeh upang alamin kung active pa rin ang kasunduan na “safe passage” para sa Filipino seafarers sa Strait of Hormuz.

“We need a clear answer from the Iranian government kung ok at safe pa rin ba ang mga Pinoy seaman dumaan sa Strait of Hormuz o hindi na para maabisuhan natin ang ating mga seamen,” paliwanag ni Tulfo.

Muling nanawagan ang senador sa lahat ng partido sa sigalot sa Middle East na umpisahan muli ang dayalogo tungo sa katahimikan sa naturang lugar.

130

Related posts

Leave a Comment