NAGLABAS si Education Secretary Sonny Angara ng bagong guidelines na nag-oobliga sa lahat ng pribadong paaralan na nag-aalok ng Senior High School (SHS) na mag-transition mula sa provisional permits tungo sa formal Government Recognition pagsapit ng School Year 2027–2028.
Layunin ng polisiya na palakasin ang quality assurance at accountability sa education sector.
Sa ilalim ng DepEd Order No. 12, s. 2026, ang mga SHS na kasalukuyang nag-o-operate sa ilalim ng provisional permits ay kinakailangang kumuha ng Government Recognition, na nagsisilbing permanenteng legal authority para mag-operate at patunay ng pagsunod sa standards ng Department of Education (DepEd).
Ayon kay Angara, tinutugunan ng polisiya ang matagal nang regulatory gaps sa private SHS operations mahigit isang dekada matapos ipatupad ang K to 12 program.
“Malinaw ang bilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.: dapat siguraduhin nating dekalidad at maaasahan ang edukasyon ng bawat mag-aaral, saan man sila nag-aaral,” ani Angara.
“Sa pamamagitan ng Government Recognition, mas malinaw ang pamantayan, mas accountable ang institutions, at mas protektado ang learners,” dagdag pa niya.
Sinabi ng DepEd na umaabot na sa 38% ng lahat ng SHS schools sa bansa ang private basic education institutions na nag-aalok ng SHS at kasalukuyang nagsisilbi sa nasa 1.46 million Grade 11 at Grade 12 learners ngayong School Year 2024–2025.
Gayunman, marami pa ring paaralan ang nananatiling nasa provisional permits dahil sa kakulangan ng malinaw at updated na proseso para makakuha ng formal Government Recognition.
Sa ilalim ng bagong guidelines, daraan ang mga aplikanteng paaralan sa standardized application, validation, evaluation at monitoring procedures na sasaklaw sa curriculum, school leadership, faculty qualifications, learner support systems, facilities, planning at financial capacity.
Naglaan din ang DepEd ng one-year transition period sa School Year 2026–2027 upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga paaralan na makasunod sa requirements nang hindi naaapektuhan ang access ng learners.
(CHRISTIAN DALE)
42 