AGAD na sasailalim sa combat at seaworthiness assessment ang pinakabagong offshore patrol vessel ng Philippine Navy bago ito tuluyang i-commission at ideploy bilang BRP Rajah Lakandula.
Dumating na sa bansa ang future BRP Rajah Lakandula (PS-21), ang ikalawang bagong Offshore Patrol Vessel (OPV) ng Philippine Navy mula sa South Korea, matapos salubungin sa arrival ceremony sa Naval Operating Base-Subic noong nakaraang linggo.
Ito ay kasunod ng pagdating ng naunang OPV na BRP Rajah Sulayman (PS-20) noong Enero 2026.
Ayon kay Vice Admiral Caesar Bernard Valencia, ang barko ay sumisimbolo sa katatagan at katapangan ni Rajah Lakandula, ang dating pinuno ng Tondo noong pre-colonial period.
Ang BRP Rajah Lakandula ay ginawa ng HD Hyundai Heavy Industries sa Ulsan, South Korea at dumating sa Pilipinas noong Mayo 4 bilang bahagi ng modernization program ng Philippine Navy.
Sinalubong naman ng BRP Jose Rizal (FF150) ang bagong offshore patrol vessel pagdating nito mula South Korea.
Ayon kay Vice Admiral Jose Ma Ambrosio Q Ezpeleta, bahagi ito ng hakbang ng militar upang higit pang mapalakas ang maritime defense at law enforcement capabilities ng bansa sa pamamagitan ng isang moderno, multi-domain at self-reliant na puwersa.
(JESSE RUIZ)
50 