NAGBIGAY-PUGAY si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga ina ngayong Mother’s Day bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo, pagmamahal at mahalagang papel sa pamilya at lipunan.
“Kayo ang ilaw ng tahanan at haligi ng bawat pamilyang Pilipino. Sa inyong pag-aaruga, pagtitiis, at walang kapantay na pagmamahal, mas tumatatag ang ating tahanan, komunidad, at bayan,” ani ng Pangulo sa kanyang social media post.
“Ngayong Mother’s Day, taos-puso akong nagpupugay at nagpapasalamat sa lahat ng ina. Maraming salamat sa pagmamahal na araw-araw ninyong iniaalay para sa inyong pamilya at para sa ating bansa,” dagdag pa niya.
Ibinahagi rin ng Pangulo ang larawan ng kanyang ina na si Imelda R. Marcos, asawa na si Liza Araneta Marcos, at bunsong kapatid na si Irene Marcos-Araneta.
Sa hiwalay namang post, pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang Unang Ginang para sa “holding our family together with so much love and patience through every season of our lives.”
“I have watched you love this family for years, not out of a Mother’s duty but out of a Mother’s love,” ani ng Pangulo.
“Our boys could not have asked for a more loving mother, and I could not have asked for a better partner to walk through life with,” dagdag pa niya.
(CHRISTIAN DALE)
154 