APAT katao ang sugatan makaraang sumalpok ang isang bus ng St. Jude Transport Lines sa likuran ng nakaparadang truck sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Camohaguin, Gumaca, Quezon noong madaling araw ng Mayo 8.
Ayon sa pulisya, biyaheng Bicol-Manila ang bus nang mawalan umano ng kontrol ang driver at bumangga sa nakaparadang truck.
Apat na pasahero, kabilang ang isang menor de edad, ang nasugatan na isinugod sa ospital.
Parehong nagkaroon ng pinsala ang dalawang sasakyan sa nasabing insidente.
(NILOU DEL CARMEN)
83 