HUMIRIT ng extension si Atty. Levito Baligod sa Department of Justice (DOJ) upang makapagsumite ng counter-affidavit at karagdagang sinumpaang salaysay hanggang Mayo 25.
Kinakaharap ni Baligod ang reklamong cyber libel, perjury at unlawful utterances kaugnay ng alegasyon ng mga dating sundalo at Marines hinggil sa umano’y flood control kickbacks na kinasasangkutan ng ilang opisyal ng gobyerno.
Sa ambush interview, sinabi ni Baligod na may pitong testigo umanong nagsabing nakita nila si dating Sen. Leila de Lima habang apat naman ang nagsabing nakita si Fr. Albert Alejo Villanueva na tumanggap umano ng pera.
May apat pa aniya na hindi pa nakakapirma sa affidavit na magpapatibay sa naturang alegasyon.
Iginiit din ni Baligod na walang nakitang banta sa public order sa inilabas umanong impormasyon ng mga Marines.
Kaugnay naman ng cyber libel complaint, sinabi niya na walang nakasaad sa reklamo na sila ang nag-upload ng umano’y libelous materials online.
(JULIET PACOT)
86 