JEHOVAH SHAMMAH

HOPE ni GUILLER VALENCIA

ANG ibig sabihin ng Jehovah Shammah ay “The Lord is there”. Ipinahahayag nito na ang Diyos na powerful, has presence with His people. May Tunog o himig Pinoy ang “shammah” dahil sa ating wika ay katunog ito ng sama o kasama.

Ang pangalang Jehovah Shammah ay makikita sa aklat ni Ezekiel 48:35 bilang isang city sa vision ni Propeta Ezekiel. Ito ay mula sa salitang Hebreo na “The Lord is there.”

Tinanggap ni Propeta Ezekiel ang vision na ito kung saan ang mga Israelita ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Babylonian. Ito iyong mga panahon ng despair, hopelessness, hardships and tortured and needs restorations of freedom and peace.

Ang Jehovah Shammah na kumakatawan din bilang ang Diyos, ay omnipresence and his faithfulness. Halimbawa nito ay noong panahon ni Daniel nang siya ay nasa lion’s den pero hindi siya napahamak.

Gayundin ang tatlong kasama niya na inihulog sa balon na may apoy.

Sila ay pawang naligtas din. Sa karanasan ni Pedro na nakaharap sa bagyo sa sea of Galilee, sila ay iniligtas ng Panginoon na kasama niya sa malaking bangka.

Maging sa loob ng 40 years na paglalakbay sa wilderness ng Israelitas, kasama nila ang Diyos. God is present in their daily lives.

Bilang believers in Christ, our Lord and Savior, we assure that Jehovah Shammah is always guiding, sustaining, comforting, and near us regardless of any circumstances. Sabi niya, I will never leave you nor forsake you. (Psalms 46:1; Matthew 28:20).

Kabayan, kung nais mo na maranasan si Jehova Shammah ay tanggapin mo si Jesus Christ bilang personal Lord and Savior. Makakasama mo siya now and till the end of the world. Hanggang sa muling pagbabalik niya ay kasama tayo sa buhay na walang hanggan. Shalom! (giv777@myyhaoo.com)

64

Related posts

Leave a Comment