NAGSUKO NG P34-M COCAINE, MAGSASAKA TUMANGGAP NG P100K PABUYA

PINAGKALOOBAN ng P100,000 na pabuya ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang isang mangingisda sa bayan ng Patnanungan, matapos nitong boluntaryong isuko sa mga awtoridad ang mahigit P34.5 milyong halaga ng cocaine na natagpuan sa baybayin ng Barangay Busdak.

Kinilala ni Quezon Governor Angelina Tan ang katapatan at integridad ng mangingisda na sa halip na matukso sa malaking halaga ng droga ay piniling i-report ito sa pulisya.

Ayon naman kay Quezon PD PCol. Romulo Albacea, posibleng mula sa ibang bansa ang nasabing cocaine na inanod lamang ng malalakas na alon patungo sa karagatan ng Quezon.

(NILOU DEL CARMEN)

101

Related posts

Leave a Comment