MGA BUTO NG TAO NA NAREKOBER SA TAAL LAKE, UMABOT NA SA 1,400

INIHAYAG ng PNP-Forensic Group na mula sa 2,000 na buto na narekober sa Taal Lake kaugnay sa mga nawalang sabungero, 1,400 dito ay mga buto ng tao.

Sa isinagawang press conference sa Camp Crame, sinabi ni PNP Forensic Group director, Col. Pierre Paul Carpio, nakuha nila ang mga buto sa isinagawang 134 na operasyon.

Sa ngayon, nakapagsagawa na umano sila ng medico-legal cross examination, radiographic imaging, dental, at DNA examination sa nakuhang mga buto.

Batay sa kanilang isinagawang cross matching, wala pang may nagpositibo.

Sinabi ni Carpio, dahil mahabang proseso ang mga examination, naniniwala sila na may magpopositibo pa rin dito.

Samantala, bukod sa mga buto ng tao, nakarekober din ang PNP ng mga buto ng hayop, artifacts, at iba pang mga gamit.

(TOTO NABAJA)

85

Related posts

Leave a Comment