NAGHAIN na ng reply si Vice President Sara Duterte sa articles of impeachment na iniharap laban sa kanya ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Male-maletang dokumento ang inihain ng legal team ni Duterte sa Senate Secretary na tumatayong clerk of court ng Impeachment Court.
Ayon kay Atty. Michael Poa, pangunahin nilang prayer sa inihaing reply ay ang dismissal ng reklamo dahil sa ilang constitutional infirmities sa nangyaring pagdinig sa House Committee on Justice.
Tinukoy ni Poa na ang ilang mga ebidensyang iprinisinta sa pagdinig sa Kamara ay nailatag lamang matapos silang makapagsumite ng kanilang counter affidavit.
Tiniyak naman ng legal counsel na nasa maayos na kalagayan si VP Sara at nagpapatuloy sa kanyang mga tungkulin.
Nangako rin si Poa na haharap sa korte ang Bise Presidente kung kinakailangan.
(DANG SAMSON-GARCIA)
78 