GATCHALIAN LEADERSHIP KINIKILALA NG MALACANANG

Sen Sherwin Gatchalian-3

Muling iginiit ng Malacañang na ang liderato ni Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian ang kanilang kinikilala.

Ito ay kasunod ng usapin sa Senate leadership matapos igiit ng kampo ni Senator Alan Peter Cayetano na siya pa rin ang kasalukuyang Senate President.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro na legal ang naging pagpapalit ng liderato sa Senado.

Binanggit ni Castro ang sitwasyon noong 2015 kung saan, sa kabila ng pagkakakulong ng tatlong senador at pagliban ng iba pang miyembro, ay nakapag-convene pa rin ang Senado.

Ayon kay Castro, legal ang naging pag-convene at pagpapalit ng liderato kahit 12 senador lamang ang dumalo at bumuo ng mayorya.

Samantala, sinabi ni Castro na wala siyang impormasyon kaugnay ng mga ulat na umano’y nagtungo si Senator Francis “Chiz” Escudero sa Malacañang bago dumalo sa sesyon.

(CHRISTIAN DALE)

68

Related posts

Leave a Comment