P13.3-M HIGH GRADE MARIJUANA NASABAT SA NAIA

TINATAYANG nasa P13.3 milyong halaga ang nasabat na high grade marijuana o kush sa ikinasang anti-narcotics operation ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 kahapon.

Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, isang arriving Filipino passenger mula Bangkok, Thailand ang inaresto sa isinagawang interdiction operation sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 kahapon, Hunyo 4, 2026.

Ito ay makaraang madiskubre ng mga tauhan ng BOC ang nasa 8.91 kilograms ng hinihinalang marijuana, locally known as “kush,” na nakapaloob sa checked baggage ng pasahero.

Ang illegal substance, na may estimated street value na umabot sa P13.365 milyon, ay nadiskubre sa routine X-ray screening at nakumpirma kalaunan kasunod ng positive K9 alert ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nakatakdang isalin sa kustodiya ng PDEA ang nasamsam na droga para sa quality and quantity analysis at follow-up investigation.

(JESSE RUIZ)

69

Related posts

Leave a Comment