4 TAIWANESE INARESTO NG COAST GUARD AT BI

APAT na Taiwanese nationals ang nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Coast Guard (PCG)-Coast Guard Station (CGS) Manila, at Bureau of Immigration (BI) Intelligence Division – Special Response Team sa ipinatupad na law enforcement operation sa isang yate sa katubigan malapit sa Pasay Reclamation Development Project nitong nakalipas na linggo.

Nag-ugat ang law enforcement operation kasunod ng naganap na pagsadsad ng yate noong Hunyo 3, 2026. Sa mga sumunod na maritime patrol at monitoring activities, napansin ng mga tauhan ng PCG ang ilegal na pagtatapon ng basura mula sa barko, dahilan para magsagawa ng boarding inspection, mag-isyu ng Enforcement Inspection Apprehension Report (EIAR), at sinundan ng pakikipag-ugnayan sa Bureau of Immigration para sa beripikasyon ng status ng imigrasyon.

Sa beripikasyon, kinumpirma ng BI na ang apat na banyagang indibidwal ay may derogatory records sa immigration at itinuturing na undesirable aliens na maaaring sumailalim sa immigration process.
Ang CGS Manila, kasama ang mga operational control units nito, ay nagkaloob ng maritime security and operational support sa inilunsad na apprehension operation.

Ang naarestong mga indibidwal ay inilipat sa kustodiya ng BI para sa tamang proseso at biometric na pagkakakilanlan sa ilalim ng Biometric Identification Transnational Migration Alert Program (BITMAP).

Alinsunod sa iCARE (Intensified Community Assistance, Response, and Enforcement) isang kampanya ng PCG, nananatiling committed ang PCG sa pagpapalakas ng pakikipagtulungan ng mga ahensya, pagpapatupad ng batas

100

Related posts

Leave a Comment