KONGRESO IPINATAWAG NI PBBM PARA SA SPECIAL SESSION

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na magdaos ng special session sa Hunyo 17, 2026 upang mapabilis ang pag-apruba sa mga prayoridad na panukalang batas na nakatuon sa social protection, edukasyon, healthcare at iba pang ayuda para sa mahihinang sektor.

Sa ilalim ng Proclamation No. 1318, inatasan ng Pangulo ang Kongreso na aksyunan ang mga priority legislative measures na nasa advanced stages na ng lehislasyon ngunit hindi pa naipapasa.

Batay sa Section 15, Article VI ng 1987 Constitution, may kapangyarihan ang Pangulo na magpatawag ng special session ng Kongreso anomang oras upang tugunan ang mga kagyat na usaping nangangailangan ng agarang aksyon.

“The challenges confronting our people demand urgent action. Families affected by the recent earthquake in Mindanao require immediate assistance. Students need continued support to pursue their education. Our senior citizens deserve better healthcare. Our children must have better nutrition and vulnerable sectors need stronger protection,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang administrasyon na maisasantabi ng mga mambabatas ang mga usaping pampulitika at pagtutuunan ng pansin ang agarang pangangailangan ng mamamayan, lalo na sa gitna ng energy challenges at epekto ng mga kalamidad.

(CHRISTIAN DALE)

47

Related posts

Leave a Comment