HEIGHTENED ALERT SA SENADO NANANATILI

HINDI pa rin nili-lift ng Senado ang heightened alert na ipinatutupad sa buong compound sa gitna ng security threat.

Doble ang higpit ng seguridad na ipinatutupad ng Office of Senate Sgt at Arms katuwang ang Philippine National Police, Philippine Marines at ngayon ay ang Philippine Coast Guard.
Pinakahuling idinagdag sa security level ng Senado ang ikinabit na Under Vehicle Inspection System na susuri sa ilalim bawat behikulong papasok sa Senate compound.

Wala ring palulusuting sasakyan sa inspeksyon kung saan sasalang pati mga sasakyan ng mga senador.

Mahigpit ding ipinatutupad ang No ID, No Entry policy sa lahat ng papasok sa Senado kasama ang mga miyembro ng Senate Media.

Tanging Senate accredited media ang pinapapasok sa loob ng Senado.

Sarado rin ang basement parking kung saan dumaraan at nagpaparada ang mga senador gayundin ang kanilang mga chief of staff.

(DANG SAMSON-GARCIA)

50

Related posts

Leave a Comment