DEBRIS NA MAY FOREIGN MARKINGS, NATAGPUAN SA BAYBAYIN NG BATANGAS

ISANG malaking piraso ng metal na may foreign marking, ang natagpuan sa baybayin ng Sitio Talim, Barangay Luyahan sa Lian, Batangas, dahilan upang magsagawa ng imbestigasyon ang Philippine Coast Guard.

Ayon sa PCG, isang concerned citizen ang nag-ulat tungkol sa kahina-hinalang debris na nakita malapit sa dalampasigan noong Lunes, Hunyo 15.

Nang beripikahin, natuklasang ang bagay ay humigit-kumulang 20 feet ang haba at 10.5 feet ang lapad at yari umano sa aluminum.

Kapansin-pansin din ang mga banyagang letra na nakasulat dito.

Batay sa paunang pagsusuri gamit ang translation tools, posibleng tumutukoy ang mga marka sa katagang “Antenna Transmission Window 5.”

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad kung saan nagmula ang debris at kung ano ang eksaktong gamit nito.

Nasa kustodiya na ito ng PCG para sa mas masusing pagsusuri at dokumentasyon.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang Coast Guard sa iba pang ahensya upang matukoy ang pinagmulan at kahalagahan ng misteryosong bagay na inanod sa baybayin ng Batangas.

(NILOU DEL CARMEN)

67

Related posts

Leave a Comment