PAG-AMYENDA SA JUVENILE JUSTICE LAW SA BANSA, DAPAT IPRAYORIDAD!

RAPIDO ni PATRICK TULFO

ANG barilang nangyari noong Lunes sa isang paaralan sa Tacloban ay pangatlo nang insidente ng karahasan sa loob ng paaralan, kung saan pawang mga menor de edad ang mga suspek.

Tatlo ang patay sa walang habas na pamamaril ng dalawang estudyante sa Tacloban (edad 14 at 16) noong Lunes (June 22, 2026). Noong June 16, 2026 nangyari naman ang pananaksak sa pitong grade 5 students sa isang private school sa Gen. Trias, Cavite kung saan isang Grade 8 na estudyante ang suspek.

Isang insidente rin ng pananaksak sa Cavite National High School ang nangyari noong June 19, 2026 kung saan sugatan ang isang Grade 11 na estudyante matapos atakihin ng kanyang kaklase.

Pabata nang pabata ang mga suspek na naitatala. Malalakas nga ang loob ng mga ito dahil alam nilang hindi sila makakasuhan.

Sa ilalim ng Republic Act 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, na ang may akda ay si Sen. Kiko Pangilinan, protektado ang mga menor de edad na mapatutunayang nagkasala sa batas, ngunit ang mga ito ay itu-turnover sa Bahay Pag-asa.

Trabaho naman ng DSWD na suriin ang tirahan o pag-aralan ang background o kinamulatan ng menor de edad upang alamin ang sanhi ng kanyang karakter.

Pero sa panahong ito, hindi na tugma na bigyan ng mababang sentensya ang mga menor de edad. Panahon na para amyendahan ang batas na ito upang babaan ang edad ng mga akusadong maaaring makulong.

Nakabinbin pa sa Senado ang inihaing Senate Bill 372 ni Sen. Robin Padilla na nagbababa sa 10 taong gulang ang pagpaparusa sa mga menor de edad na mapatutunayang nagkasala sa mga kasong tulad ng pagpatay, rape at pagkakaugnay sa droga.

Ikinatwiran ni Padilla ang pagiging expose ng mga bata sa social media at ipa pang teknolohiya na nagpapakita ng karahasan. Katulad ng mga online game na maaaring mag-engganyo sa mga bata na isabuhay ang karahasang kanilang nilalaro.

Sa panahon ngayon na hirap din ang magulang na iregula ang paglalaro o paggamit ng online ng kanilang mga anak, mas makabubuting maiayos ang mga batas upang maturuan ng leksyon ang mga bata at nang sa ganoon at may katakutan sila sakaling sumagi sa isip nila na gumawa ng karahasan.

Hindi sapat na maging mahigpit ang mga magulang, kundi maging mahigpit ang lipunan sa anomang krimen na kanilang maaaring kasangkutan

90

Related posts

Leave a Comment