MAKIKIPAG-UGNAYAN ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Meralco at lokal na pamahalaan ng Maynila para masolusyunan ang problema sa suplay ng kuryente sa Padre Faura Pumping Stations.
Sa ginawang inspeksyon ni Highways Secretary Vince Dizon, natuklasan na gumagana lamang ang nasabing pumping stations sa pamamagitan ng generator sets.
Ayon kay Dizon, magiging malaking problema ito kung sa kasagsagan ng ulan o bagyo ay maubusan ito ng krudo at tuluyang huminto.
Magastos din aniya kung gagamit pa ng krudo sa mga generator para lamang paganahin ang Padre Faura pumping stations.
Sinabi pa ni Dizon, sinisikap nilang maayos ang lahat ng mga pumping station mula sa Taft Avenue at Roxas Blvd. upang hindi na maranasan pa ang pagbaha tuwing malakas ang ulan at bagyo.
Bukod dito, tuloy-tuloy rin ang hakbang ng DPWH katuwang ang ibang ahensiya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan para maipagtuloy ang mga proyekto o programa kontra baha.
(JOCELYN DOMENDEN)
68 