NALAGUTAN na ng hininga ang apat na suspek na naka-engkwentro ng mga pulis noong Hunyo 27 sa Arayat, Pampanga.
Ayon kay PNP PIO chief, PCol Allan Rae Co, isinugod sa pagamutan ang apat na suspek subalit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.
Lumitaw sa isinagawang imbestigasyon, gun for hire ang mga suspek na mga politiko ang target.
Ayon sa ulat, naaktuhan ng mga tauhan ng Pampanga SWAT ang mga suspek na walang habas na nagpaputok ng baril.
Nang lapitan ng mga awtoridad, sa halip na sumuko ay pinaputukan ang mga ito na nauwi sa barilan.
Matapos ang palitan ng putok, matagumpay na naaresto ng mga awtoridad ang apat na mga suspek.
Kabilang sa mga naaresto ang itinuturong lider ng grupo na kinilala sa alyas na “Ka Arlet.”
Nakuha mula sa mga suspek ang iba’t ibang uri ng matataas na kalibre ng armas kabilang ang isang .45-caliber pistol, M16 rifle, 12-gauge shotgun, .38-caliber revolver, carbine rifle, at isang hand grenade.
(TOTO NABAJA)
97 