3 TULAK ARESTADO SA DASMARIÑAS, CAVITE

SWAK sa kulungan ang tatlong hinihinalang tulak matapos nahulihan ng ilegal na droga at baril sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City, Cavite noong Linggo ng hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5(26) at 11 ng RA 9165 ang naarestong mga suspek na sina alyas “Jessie”, “Paulo” at “Norman”.

Ayon sa ulat, bandang alas-3:30 ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Police Provincial Office (PPO) at Dasmariñas Component City Police Station sa Sitio Pook, Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto at nasamsam ang humigit kumulang 30 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P204,000.00, isang kalibre .45 na baril na nakuha mula kay Jessie, isang kalibre .38 na baril mula kay Norman, bala ng kalibre .45 at kalibre .38, cellphone at buy-bust money.

(SIGFRED ADSUARA)

93

Related posts

Leave a Comment