HINILING ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa National Police Commission (Napolcom) ang isang taong extension sa serbisyo ni Police Brig. Gen. Hansel Marantan.
Kinumpirma mismo ni Secretary Remulla ang kahilingan sa isang text message sa mga mamamahayag nitong umaga sa Camp Crame.
Batay sa dokumento, layunin ng extension na matiyak ang pagpapatuloy ng pagpapatupad ng mga kritikal at high-impact operations na kasalukuyang pinamumunuan ni Marantan.
Sa kasalukuyan, si Marantan ang Director ng Police Regional Office 4A (CALABARZON) at nakatakdang magretiro ngayong Hulyo sa pagsapit ng kanyang ika-56 na kaarawan.
(TOTO NABAJA)
79 