6,000 PULIS, IDE-DEPLOY SA SENADO PARA SA IMPEACHMENT PROCEEDING

KASADO na ang security plan ng Philippine National Police (PNP) para sa inaasahang impeachment proceeding ni Vice President Sara Duterte sa Senado sa Lunes.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Allen Rae Co, tuloy-tuloy ang intelligence monitoring upang matiyak ang seguridad at mapanatili ang kaayusan sa paligid ng Senado.

Magsasagawa rin ang PNP ng final coordinating conference kasama ang iba’t ibang police units upang plantsahin ang huling detalye ng security plan.

Tinatayang nasa 6,000 pulis ang ide-deploy sa paligid ng Senado upang tiyakin ang seguridad ng lugar at ng mga dadalo sa pagdinig.

Sa ngayon, wala pa umanong natatanggap ang PNP na espesyal na kahilingan para sa deployment ng mga pulis sa loob mismo ng Senado.

Samantala, nananatili sa heightened alert ang PNP. Ayon kay Col. Co, pag-aaralan sa Lunes kung kinakailangan pang itaas ito sa mas mataas na alert level depende sa magiging sitwasyon.

(TOTO NABAJA)

97

Related posts

Leave a Comment