ITINALAGA na ang bagong pinuno ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Nabatid na ang Deputy Chief for Operations ng BJMP na si Chief Supt. Efren Nemeño, ang magiging bagong pinuno ng ahensya.
Sa isang kautusan mula sa Malacañang na nilagdaan mismo ni Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr., na may petsang Hulyo 1, nakasaad na papalitan ni Nemeño ang paalis at magreretiro nang si Chief Supt. Ruel Rivera.
Samantala, kinumpirma naman ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, si Nemeño ang magiging bagong direktor ng BJMP at manunumpa siya sa katungkulan ngayong araw, Hulyo 9.
Si Rivera, na dapat ay magreretiro na noong Enero 5, 2026, ay binigyan ni Remulla ng isang taong ekstensyon sa serbisyo, ngunit pinili niyang paikliin ito ng anim na buwan.
Kaugnay nito, abala ngayon ang BJMP dahil sa mga kilala at tanyag na personalidad na iniutos na ikulong bunsod ng mga kasong graft at korupsyon.
(PAOLO SANTOS)
71 