NILINDOL ng magnitude 4.5 na lindol ang lalawigan ng Benguet nitong Huwebes ng hapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang lindol dakong alas-2:33 ng hapon sa kanlurang bahagi ng bayan ng Tuba, Benguet.
Sinabi ng PHIVOLCS na tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim itong 10 kilometro.
Naramdaman ang Intensity 5 sa Baguio City at ilang bahagi ng Benguet habang Intensity 4 naman ang naitala sa Aringay, La Union.
Naitala rin ang Intensity 3 sa Sison, Pangasinan; Intensity 2 sa Urdaneta City, Pangasinan; at Intensity 1 sa Cuyapo, Nueva Ecija at Lingayen, Pangasinan.
Wala namang naitalang pinsala o inaasahang aftershocks kaugnay ng naturang lindol, ayon sa PHIVOLCS.
(PAOLO SANTOS)
83 