UMABOT na sa 27 ang naitalang nasawi dulot ng Habagat at Bagyong Inday, ayon sa pinakahuling update na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Batay sa tala ng ahensya, sampu sa mga nasawi ay mula sa Sarangani, pito sa Lanao del Sur, apat sa Davao Occidental, tig-dalawa sa Zamboanga Sibugay at Bukidnon, at tig-isa sa Iloilo at Zamboanga del Sur.
Naitala rin ang siyam na nasugatan habang 14 na iba pa ang nananatiling nawawala dahil sa epekto ng masamang panahon.
Umaabot naman sa mahigit isang milyong indibidwal o higit sa 244,000 pamilya sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang naapektuhan ng habagat at bagyo.
Mahigit 3,000 pamilya rin ang pansamantalang nananatili sa loob ng 60 evacuation centers sa buong bansa.
Patuloy naman ang search and rescue operations ng mga lokal na pamahalaan at iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang mahanap ang mga nawawala at maihatid ang kinakailangang tulong sa mga apektadong komunidad.
(JESSE RUIZ)
45 