MEKANIKO INABANGAN BINARIL, PATAY

PATAY ang isang 32-anyos na mekaniko nang pagbabarilin ng isang lalaki na nag-abang sa pagdating nito sa sa Dasmariñas City, Cavite noong Linggo ng umaga.

Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si alyas “Ramir” ng Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City dahil sa tama ng bala sa kanyang katawan.

Nakilala naman ng isang saksi ang suspek na si alyas “John” na tumakas matapos ang pamamaril.

Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklong Honda Click 150 at binabagtas ang kahabaan ng Zone 5, Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City makaraang utusan siyang humiram ng bareta bandang alas-8:45 ng umaga.

Walang sabi-sabi umanong pinaulanan ng bala ang biktima ng suspek nakaabang sa kanyang pagdaan sa lugar na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Matapos ang pamamaril, naglakad lang umano ang suspek papalayo sa lugar.

Ayon sa salaysay ng asawa, nauna nang nakatanggap ng pagbabanta ang biktima mula sa suspek.

Nagsasagawa naman ng backtracking ang pulisya sa CCTV sa dinaanan ng suspek para sa posibleng pag-aresto sa kanya.

(SIGFRED ADSUARA)

87

Related posts

Leave a Comment