GILAS PILIPINAS YOUTH MAY BITBIT SA GREECE

edusotto12

(NI JOSEPH BONIFACIO)

MAY bitbit na kumpiyansa ang Gilas Pilipinas youth team sa pagtungo sa Greece kahapon.

Ito’y matapos magtala ng impresibong panalo sa dalawang tune up games kontra Qatar pro club na Al Rayyan sa Doha.

Kahapon ay lumipad na patungong Heraklion, Greece ang tropa para sa pagsabak sa FIBA U19 World Cup.

Sa nasabing tune-up games, tinalo ng Gilas youth ang Al Rayyan sa iskor na 79-54 at sinundan ng 93-64, kung saan isang rebound lang at double-double output sana si 6’11 Fil-Nigerian AJ Edu sa kanyang 18 points at nine boards. Habang ang ka-twin tower niyang si 7’1” Kai Sotto ay tumapos na mag 19 puntos sa unang panalo.

Kumamada naman sa ikalawang laro si Rome-based guard sensation Dalph Panopio na nagsumite ng 15 points, five rebounds, four assists at three steals. Ito’y matapos siyang malimitahan sa tatlong puntos at dalawang assists sa una nilang pagsalang sa Doha.

Kasama nina Sotto, Edu at Panopio na sasalang sa Greece ang iba pang miyembro ng 14-man training pool na sina Geo Chiu, Bismarck Lina, Gerry Abadiano, Dave Ildefonso, Migz Oczon, Terrence Fortea, Xyrus Torres, Joshua Lazaro, Rhayyan Amsali at James Spencer.

Paglapag sa Greece ay ihahayag ni head coach Sandy Arespacochaga ang final 12 players na isasalang sa torneo mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 7.

Ang Gilas Pilipinas youth team ay ranked 30 at makakalaban nila sa Pool C ang Argentina (no. 9), Greece (no. 15) at Russia (no. 19).

 

154

Related posts

Leave a Comment