DIGONG 8888 HOTLINE PROGRAM ILULUNSAD SA JULY 11   

duterte500

ILULUNSAD   ng pamahalaan ang programang ‘Digong 8888’ hotline.

Ito ay isang television program na mapapanood sa Peoples Television o PTV 4 kung saan maaaring direktang makapagsusumbong ang publiko laban sa  mga opisyal ng gobyerno o alin mang ahensya ng pamahalaan na may naranasang hindi patas na pagtrato, mabagal na pag-usad ng proseso, insidente ng katiwalian at iba pang reklamo.

Maari ring isumbong dito ang masusungit, nakasimangot at tatamad-tamad na kawani o opisyal ng gobyerno  o maging ang patuloy na operasyon ng mga fixers sa alin pa mang departamento, ahensya, o tanggapan ng pamahalaan.

Sa kada episode ng programa ay may isang opisyal ng ahensya ng gobyerno ang sasala para direktang tumanggap ng mga tanong at sumbong mula sa mga manonood nang sa gayon ay agaran ding mabigyan ng aksyon.

Magsisilbing host ng programa si Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, Office of the Chief Presidential Council Assistant Secretary Kris Roman at TV host anchor Trixie Jaafar.

Sinabi ni Panelo na layunin ng programa na magsilbing tulay sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno at sa mga tao sa pamamagitan ng mga segment na direktang tutugon sa kanilang concern o iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan.

Magsisimula ang Digong 8888 hotline sa July 11, 2019 at mapapanood tuwing araw ng Huwebes, alas 3:00 hanggang alas 4:00 ng hapon sa PTV 4.

124

Related posts

Leave a Comment