RIFLE PARTS, MAGAZINES, AMMO NASAKOTE NG CUSTOMS

rifl344

(NI FROILAN MORALLOSPHOTO BY DANILO BACOLOD)

NASAKOTE ng mga taga Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga rifle parts, ammunitions, magazines at mga  pistols sa isang warehouse sa Pasay City, Martes ng umaga.

Ayon sa pahayag ni Bureau of Customs-NAIA District Collector Mimel Talusan, ang 35 piraso ng rifle parts ay ilegal na pinarating sa bansa galing Hong Kong .

Nadiskubre ng mga tauhan ni Talusan ang mga ilegal na kargamento sa loob ng bodega ng DHL, at idineklarang mga general merchandize, habang ang Glock pistol, 8 Heckler at Koch pistols at 4 units na Glock magazines, at 92 pirasong live ammunitions na dadalhin papuntang  Taiwan ay nakadeklara na mga “new water pumps.”

Ayon pa kay Talusan, ang mga kontrabando ay na- intercept ng magkakaibang petsa una noong July 1, sumunod July 4, at ang pangatlo ay July 7.

Dagdag pa nito na sa nasabing warehouse rin inabandona ang isang air rifle at apat na pirasong airgun accessories at gun parts na pinaniniwalaang galing sa China.

Aniya sa tulong ng x-ray machines ay hindi nakalusot sa kanilang mga kamay ang mga itinagong iligal na kargamento sa solar panel at water pump.

Kumpiskado ang mga ito dahil sa paglabag ng Sections 119, 1400 and 1113 of RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) and Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act).

Sapagkat sa ilalim ng naturang batas ang pag- import at export ng mga baril , gun parts at mga bala ay ipinagbabawal ng walang proper clearance mula sa pamahalaan.

 

149

Related posts

Leave a Comment