AFP NAKAALERTO VS PINOY NA ‘SUICIDE BOMBERS’

SULU44

(NI AMIHAN SABILLO)

HINDI na tumitigil ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsasagawa ng profiling sa mga pinaghihinalaang suicide bomber sa central Mindanao.

Matapos kumpirmahin ng PNP at AFP na isang Filipino ang isa sa suicide bomber sa nangyaring pagsabog sa isang military camp sa Indanan Sulu.

Ayon kay Western Mindanao Command Chief, Lt Gen Cirilito Sobejana puspusan ang kanilang profiling dahil base sa kanilang monitoring mayroong mga Pinoy na hinahasa ngayon ng mga ISIS para maging suicide bomber.

Bagamat aniya wala silang eksaktong bilang kung ilan ang sinasanay ngayon ng ISIS kinumpirma nyang nangyayari ang training sa lalawigan ng Sulukung saan malakas ang pwersa ng Abu sayyaf group na konektado na rin sa ISIS.

Wala rin aniya silang idea kung kailan nagsimulang sinanay ng mga ISIS ng mga Filipino suicide bomber pero nagsimula aniya ang mga matitinding pagsabog sa central mindanao taong 2002 pa.

Sa ngayon malaki aniya ang posibilidad  na may magaganap pang suicide bombing sa bansa lalo na sa Mindanao pero ginagawa nila ang lahat ng stratehiya upang mapigilan ito.

Hiling din ng militar ang kooperasyon ng publiko para mapigilan ang paglaganap ng terorismo.

168

Related posts

Leave a Comment