ADMIN PARTY NILAYASAN NG 14 CONGRESSMEN

pdp55

(NI BERNARD TAGUINOD)

NAGLALAYASAN na ang mga miyembro ng PDP-Laban sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na pinamumunuan ni Secretary General ng partido at dating House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez.

Ito ang nabatid matapos ilantad ng National Unity Party (NUP) ang mga bago nilang miyembro kung saan 14 dito  ay mula sa PDP-Laban na naging behikulo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 presidential election.

Kabilang sa mga dating PDP-Laban Congressmen na lumipat sa NUP ay sina Cavite Rep. Alex Advincula, Isabela Rep. Tonypet Albano, Palawan Rep. Franz Chicoy Alvarez, Quezon City Rep. Anthony Peter Onyx Crilosologo, Isabela Rep. Inno Dy, Cebu Rep. Pablo John Garcia.

Kasama rin sa mga naglipatan sa NUP mula sa administration party ay sina Manila Rep. Yul Servo, Northern Samar Rep. Jose Ong Jr., Rep. Rida Robes ng San Jose del Monte City, Bulacan, Cebu Rep. Janice Salimbangon, Cavite Rep. Abraham Bambol Tolentino, Paranaque Rep. Joy Tambunting at Southern Leyte Rep. Vicente Veloso.

Ang mga nabanggit ay kabilang sa  84  Congressmen na pawang nanalo sa ilalim ng PDP-Laban noong nakaraang eleksyon subalit matapos ang mahigit dalawang buwan ay lumipat ang mga ito sa ibang partido.

Sa impormasyon na nakarating sa Saksi Ngayon, hindi bababa sa 25 Congressmen mula sa PDP-Laban ang lalayas umano sa nasabing lapian sa iba’t ibang

kadahilanan.

Noong 2016 election, mahigit 100 congressmen ang nanalo sa ilalim ng Liberal Party (LP) subalit 18 lang ang natira sa partido matapos lumipat ang mayorya sa mga ito sa PDP-Laban nang manalo si Duterte bilang Pangulo.

 

172

Related posts

Leave a Comment