ASF, HINDI BANTA SA KALUSUGAN NG PUBLIKO

ASF-2

Nag-aalala ngayon ang publiko na sa kinakaharap na isyu ngayon ng bansa tungkol sa African Swine Fever (ASF) virus.

Concerned ang mamamayan kung ligtas bang kumain ngayon ng karne ng baboy sa kabila ng hindi lang naman sa Pilipinas umatake ang virus na ito. Duda rin kasi ang mga tao dahil bumagsak ang presyo ngayon ng karne ng baboy sa merkado.

Ang pag-aalalang ito ay binigyang-linaw ng Department of Health noong nakaraang linggo.

Ayon sa naturang ahensya, ang ASF ay hindi banta sa kalusugan ng mga tao kahit pa sinabi ng Department of Agriculture na may pagkumpirma na 14 sa 20 pig samples ang naeksaming positibo sa naturang virus.

Naroon ang malinaw ding pagpapayo ng DOH.

ASF4“We want to allay the fears of the public by saying that, as long as pork is bought from reliable sources and it is cooked thoroughly, pork is safe to eat,” paliwanag ni Health Secretary Francisco Duque III.

Kung duda kayo sa inyong bibilihing mga karne ng baboy mas maiging huwag nang ituloy pa ang pagbili kahit pa ang mga ito ay nagmula sa ating mga suki.

Iwasan din ang mga nabibi¬ling tocino, tapa, o longganisa na mula rin sa mga karne ng baboy. Hindi kasi tayo nakasisiguro sa uri ng karne ng baboy na ginamit dito. Posible kasi at madali rin namang sabihing walang sakit na dumapo sa karne ng baboy na ginamit sa mga pagkaing nabanggit.

Magdalawang isip na rin tayo kung dapat bang bilihin ang mga pagkaing mabibili sa kalye tulad ng pork barbecue, isaw ng baboy, betamax, at iba pang karne na mula sa baboy.

Maging maingat na lamang tayo sa ating bibilihing karne ng baboy. May mga pagpipilian pa naman tayong ibang uri ng karne o iba pang pagkain tulad ng mga gulay at prutas kung saan mas makasisiguro tayong ligtas ito at walang pag-aalalang iiwan sa mga mamimili.

ANO ANG ASF, PAANO ITO IIWASAN?

ASF1Ang African Swine Fever (ASF) virus ay isang nakahahawang haemorrhagic sakit sa mga baboy – domestic at wild – at hindi sa tao kaya naman ito ay hindi dapat ipag-alala ng mamamayan dahil hindi ito isang health threat o maituturing na food safety concern.

Ayon sa World Organization for Animal Health, ikinukonsidera nito na ang ASF ay isang “trade limi¬ting foreign animal disease of swine.”

Ang sakit ding ito ay nakaaapekto lamang sa baboy at hindi sa non-swine pets o iba pang livestock tulad ng mga manok, baka, kambing at iba pa.

ANG PAGPAPASA (TRANSMISSION) AT PAGKALAT NG ASF

Ang epidemiology ng ASF ay sinasabing complex at nag-iiba-iba depende sa kapaligiran, uri ng mga pig production systems, ang pagkakaroon o presence/absence ng competent tick vectors, human behaviour, at ng presence/absence ng wild pigs. Ang routes ng transmission ay maaaring kabilangan ng mga sumusunod tulad ng:

* direct contact sa infected domestic o wild pigs;

* indirect contact, sa pamamagitan ng ingestion ng contaminated material (at ito ay ang mga food waste, pagkain ng mga baboy, o maging ang mga basura);

* contaminated fomites (o non-living objects), o biological vectors (soft ticks ng genus Ornithodoros) kung saan ito naroroon.

PAANO MAIIWASAN AT MAKOKONTROL ANG ASF?

ASF2Sa kasalukuyan, walang aprubadong bakuna kontra ASF.

Ang pag-iwas ng mga bansa sa naturang sakit ay depende sa kani-kanilang paraan at sa suporta ng kani-kanilang mga pamahalaan. Ito ay tulad ng “implementation of appropriate import policies and biosecurity measures”, na sisigurong walang naimpeksyong buhay o produktong karne.

Masisigurong makaiiwas din sa sakit na ito sa pamamagitan ng tamang disposal ng waste food mula sa aircraft, ships o mga sasakyan mula sa apektadong mga bansa at policing illegal imports ng buhay na mga baboy at pork products mula sa mga apektadong mga bansa ng naturang sakit.

Samantala ang pagkontrol, sa mismong panahon na may outbreaks at sa affected na mga bansa, ito ay mahirap isagawa at dapat ma-adapt sa specific epidemiological situation.

Maaaring iaplay din dito ang classic sanitary measures kabilang ang early detection at makatarungang pagpatay sa mga hayop (na may tama ring paraan sa pagtatapon sa mga bangkay ng mga ito); sa pamamagitan ng maayos na paglilinis at disinfection; zoning/compartmentalization at movement controls; surveillance at detailed epidemiological investigation; strict biosecurity measures sa mga farm.

Mahalaga rin na makipag-ugnayan sa pamahalaan para lubos na maunawaan kung paano haharapin ang problema sa ASF.

KEY FACTS

ASF5* Ang African swine fever (ASF) virus ay isang severe viral disease na nakakaapekto sa domestic at wild pigs;

* Ito ay responsible para sa serious production at economic losses;

* Tinatawag din itong transboundary animal disease (TAD) na maaaring kumalat mula sa buhay at patay na mga baboy, domestic or wild, at pork products; dagdag pa rito ang transmission ay maaari ring mangyari sa pamamagitan ng kontaminadong pagkaing baboy (feed) at fomites (non-living objects) gaya ng mga sapatos, damit, mga sasakyan, kutsilyo, equipment etc., dahil sa mataas na environmental resistance ng ASF virus.

* Walang approved vaccine laban sa ASF (hindi tulad sa classical swine fever (‘Hog Cholera’) na sanhi ng ibang uri ng fever o lagnat)

* Historically, ang outbreaks ng sakit na ito ay mula sa Africa at ibang parte ng Europe, South America, at Caribbean. Samantala noong magmula ang 2007, ang naturang sakit ay naiulat nang nagsimula sa maraming bansa sa Africa, Asia at Europe, ito ay sa mga domestic at wild pigs.

477

Related posts

Leave a Comment