(NI NOEL ABUEL)
PINAKIKILOS ni Senado Joel Villanueva ang Department of Labor and Employment (DOLE) para kumbinsehin ang mga employers na ikonsidera ang telecommunicating arrangements sa mga manggagawa nito dahil na rin sa nararanasang krisis sa transportasyon.
“Hindi po tama na kalbaryo araw-araw ang turing ng mga manggagawang bumibyahe para magtrabaho at buhayin ang kanilang mga mahal sa buhay,” sabi ni Villanueva.
Paliwanag nito na kasalukuyan nang ipinapatupad ang Telecommuting Law at kasalukuyan nang nagsasagawa ng pag-aaral ang DOLE sa mga trabahong maaaring ilagay sa isang telecommuting arrangement.
“Para po sa kapakanan ng ating mga manggagawa, hinihikayat natin ang DOLE na itaas pa ang kaalaman tungkol sa batas na ito,” aniya pa.
“We want to create more options for our employees to fulfill their duties while minimizing the need to go out of their homes and travel to their places of work,” dagdag ni Villanueva, may akda ng
Republic Act No. 11165 o ang Telecommuting Law.
Sa ilalim ng nasabing batas, pinoproteksyunan ang mga manggagawa na magdedesisyon na naayon sa kasunduan ng employers nito na magtrabaho sa tahanan nito at makatatanggap ng sahod at benepisyo tulad ng sa ordinaryong manggagawa na pumapasok sa opisina.
126