PAGPIGIL SA PAGBAHING, NAKAMAMATAY

BAHING

KARANIWANG nababahing ang isang tao bunsod ng alikabok, mabahong paligid, paminta o ‘pag minalas-malas ka, dahil sa mabaho mong katabi.

Pero alam mo ba na mayroong masamang epekto ang pagpigil sa pagbahing?

Ayon sa mga eksperto, kapag sinasara mo ang iyong bibig at ilong habang bumabahing, ang pressure na dala nito ay babalik papunta sa iyong ulo, nasal cavity o pababa sa lalamunan hanggang sa dibdib kung saan ang pressure ay mas mataas ng 5-24 beses kaysa sa normal na pressure ng pagbahing na hindi pinipigil.

Dahil dito, maaari itong makaapekto unang-una sa iyong tenga. Ang hangin at pressure bunsod ng pagpipigil ay pupunta sa iyong Eustachian tubes, isang maliit na daluyan na nagkukonekta sa iyong lalamunan at gitna ng tenga kung saan magdudulot ng pagkasira ng iyong eardrums.

Sa mas malalang kaso, sa halip na eardrums ang masira, maaari rin maapektuhan ng pressure ang mga sensitibong structure ng inner ear na magdudulot ng permanenteng pagkabingi.

Natatakot ka na ba? Hindi pa d’yan natatapos ang epekto nito.

Delikado rin na matamaan ang mga small blood vessel sa mata at ilong. Bilang pampalubag sa inyong takot, ayon naman sa mga eksperto, bihira lang naman ang mga ganitong kaso.

Maaari rin umano itong magdulot ng pagkasira ng aneurysm kung saan ang ilang parte ng artery wall ay rurupok na magreresulta ng pag-umbok.

“With an aneurysm, a weak part of [a blood vessel in the brain] could rupture at any time, or never rupture at all  but a sudden change in intracranial pressure could cause it to rupture,” ayon ito kay Dale Amanda Tylor, M.D., M.P.H., otolaryngologist sa ENT Associates of Santa Barbara.

Gayunpaman, bago ka muna mag-over think dahil isa ka sa mga nagpipigil sa pagbahing, sinabi rin ni Dr. Tylor na mas may tiyansang humantong sa ganito ang mga taong may health conditions kagaya ng abnormal blood vessels, sinus, vascular, brain surgery, o ‘di kaya’y mayroong injury sa ulo, leeg at dibdib.

Sadyang nakababahala hindi ba? Kaya’t huwag ugaliing pigilan ang pagbahing nang hindi mo ito sapitin

918

Related posts

Leave a Comment