ISULONG ANG FEDERALISMO NGAYONG 2020

FOR THE FLAG

SIMULAN na ang proseso ng pag-shift pula sa presidential form of government patungo sa federalismo na may anyong parliamentary form of government. Mula rito ay maaari nang tahakin ng bansa ang pagpapalakas sa bawat rehiyon at bawat lalawigan.

Sa ngayon kasi ay nasa ilalim tayo ng unitary form of government kung saan lahat ng kapangyarihan at pananalapi ay nakasentro sa pambansang pamahalaan. Kaya mabagal ang pag-usad dahil lahat ng pangangailangan ay kinakailangan pang idulog sa pambansang pamahalaan samantalang ang bawat lalawigan at rehiyon ay may ­kanya-kanyang pangangailangan na may kakaibang angking karakter.

Matatapos na rin ‘yang suliranin ng bansa ukol sa mga terorista katulad ng NPA at Abu Sayyaf dahil mismong mga fe­deral state na ang mag-a-address sa mga ‘yan. Ang mga sandatahang grupo katulad ng MILF at MNLF ay maaaring maging kasali na sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas, kung kaya’t wala nang hindi masasakop ng batas na mga grupong armado.

Ang bawat federal state ay magkakaroon ng sariling mga sangay ng pamahalaan na tutugon sa pangangailangan ng mga komunidad na nasasakupan nito.

Ang siste sa federal form of government, ang mga pondo ay hahatiin nang mas malaki ang mapupunta sa federal state at ilang porsyento o mas maliit lamang ang mai-re-remit sa national federal government.

Malaya ring makapagpapasa ng batas ang bawat fe­deral state na angkop sa kanilang pangangailangan. May karakter ang bawat lalawigan at ang bawat rehiyon na hindi natutugunan sa ilalim ng unitary form of government kaya ito na ang pambihirang pagkakataon na magkaroon ng isang tunay na pagbabago sa Pilipinas.

Sa pamamagitan ng fede­ralismo, mawawala na ang mga terorista dahil mapalalakas na ang bawat lalawigan sa ilalim ng federal state. Kung walang mahirap na nakalilimutan ng lipunan, walang terorista dahil terorismo ang armas ng mahihina sa isang lipunan. Kung walang mahina sa lipunan, wala na ring mag-iisip ng terorismo. (FOR THE FLAG / Ed Cordevilla)

364

Related posts

Leave a Comment