NALULUNGKOT AKO PARA KAY MARK HERRAS

lolitAlam ninyo, na-sad ako nang makita ko sa trailer ng Descendants of the Sun si Mark Herras. Iyon progress ni Rocco Nacino sa career niya bigla ako nainggit. Pag nanonood ako ng All Out Sunday nagtataka ako bakit wala si Mark Herras sa line up, nasa sad din ako. Nakilala siya as bad boy ng dance floor. Umangat na mga ibang Starstruck, pero parang na stuck na si Mark. Buti na lang gaya ng hinahangaan kong ugali ni Mark Herras na hindi siya inggitero, wala siyang inggit sa nakikita niyang pag angat ng mga ibang Starstruck. Ewan ko ba, si Mark Herras ang example ng isang tao na getting older refusing to grow up. Wake up Mark, sayang ang panahon. Wake up please.

EVERYTHING MATTERS. TIME IS PRECIOUS.

Time waits for nobody, seize the moment and honor time, love as if you’ll die tomorrow. Iyan ang isang bagay na natutuhan ko sa pagkamatay ni Kobe Bryant. Iyon oras, bawat minute ng buhay mo mahalaga dahil ang nawalang oras hindi na nagbabalik, minsan lang mangyari ang bawat bagay, kaya seize every moment. Kaya siguro confrontational ako, hinaharap head on ang problema ko, dahil ayoko na mag-waste ng time sa kaiisip ng ‘ano kaya kung ganito o ganun ang ginawa ko’, gusto ko alam ko agad. Kung may kaaway ako o kung may galit sa isang tao, I want to know why agad kung bakit, kung
puwede pa ipatch up, kung hindi na, kung ayaw na, huwag na. Hindi iyon patatagalin mo at alam na ng buong bayan ang galit mo pero iyon mismong tao hindi mo sinabihan. Confront your problem, know the answer, then move on. Hindi bibigat ang dibdib mo, gagaan ang utak mo at tuloy tuloy ang buhay mo. Time will never give you anything twice, kaya gamitin mo ng mabuti. Make it worthwhile, huwag mo sayangin. Honor your time.

KOREAN FEVER STILL RAGING

Siguro matatagalan bago mawala ang Korean fever lalo pa ngayon na pati sa Hollywood bongga na sila dahil sa pelikulang Parasite. Imagine mo iyon simpleng istorya ng 2 pamilya pasok sa Oscars? At imagine mo na ang BTS pati big stars ng Hollywood fans nila. Pero aminin mo Salve ha, na sa lahat ng biyahe natin sa Korea parang wala naman akong nakita na outstanding na magaganda at pogi sa daan. Iyon mga sing pogi nila Jo Insung at Nam Jo Hyuk sa serye ko lang nakikita, iyon mga poging singer ng KPop dun lang sa concerts, hindi tulad ng US o Europe na pag naglakad ka nagkalat ang maganda at guwapo, dito nga sa Pinas mas marami
pa. Hay naku, tutoo nga na you make your own standard of beauty, pag nahuli
mo na iyon kilig, iyon na, addict ka na. Sa case ng koreans, heto na mind set na tayo, maganda, pogi, magaling. At bongga ha, buong mundo ang na-hooked nila. Kundi lang sa NCOV aalis na naman kami for  Korea , dahil puntahan natin iyon taping ng Crash Landing On You, bongga.

424

Related posts

Leave a Comment