BULACAN NO. 4 MWP NAKORNER SA RAPE

BULACAN – Natimbog ang isang senior citizen na number 4 Most Wanted Person (MWP) sa lalawigang ito dahil sa  11 counts ng kasong rape, makaraang matagpuan ng Tracker Team ng Bocaue police ang kanyang pinagtataguan sa Barangay Poblacion, sa bayan ng Bocaue sa lalawigang ito, nitong Miyerkoles.

Base sa report ni P/Lt. Col. Rizalino Andaya, Bocaue police chief, kay P/Col. Emma Libunao, Provincial Director ng Bulacan PNP, kinilala ang suspek na si Eligio Huligangan y Biernes, 62, residente ng Barangay Bagumbayan sa nasabing bayan, nakapiit na sa  Bocaue Municipal Jail dahil sa kasong rape.

Nabatid na dakong alas-5:00 ng hapon nang makatanggap ng impormayon ang Tracker Team ng pulisya na nagtatago ang suspek sa Barangay Poblacion sa Bocaue kaya walang sinayang na oras ang mga awtoridad at kanilang nakorner ang suspek na boluntaryo namang sumama sa pulisya.

Ang suspek na si Huligangan ay matagal nang nagtatago dahil sa 11 kaso ng panggagahasa sa kanilang lugar kaya naitala itong number 4 Most Wanted Person sa Bulacan.

Ang pagkakadakip sa suspek ay bunga nang walang humpay na kampanya ng Bulacan PNP sa mga MWP bunga ng direktiba ng PNP chief at ni P/Brig. Gen. Rhodel Sermonia, Regional Director ng Police Regional Office 3 (PRO3). (GINA BORLONGAN)

150

Related posts

Leave a Comment