KUYA NAGSAING, NAKATULOG 6-ANYOS PATAY SA SUNOG

DAVAO Occidental – Patay ang isang 6-anyos na batang lalaki sa nangyaring sunog sa Brgy. Kisulad sa bayang ito.

Kinilala ni Corporal Jun Glee delos Nieves, imbestigador ng Sta. Maria Municipal Police Station, ang biktimang si Harry Jay Yalon Banuelos.

Lumitaw sa imbestigasyon ng mga awtoridad, alas-11:00 nitong Huwebes ng gabi, nagsaing si Richan Lee, 10, kapatid ng biktima, sa kanilang kusina ngunit nakatulog dahil sa pagod.

Dakong 2:00 ng madaling araw nitong Biyernes, nagising si Richan Lee dahil sa init ng apoy sa nagliliyab nilang bahay.

Tinangka niyang iligtas ang kapatid na nakitang tumakbo papasok sa kanilang kwarto ngunit dahil sa tindi ng init ay tumakbo na lamang siya palabas.

Narekober ng pulisya ang nasunog na bangkay ni Harry Jay kasama sa natupok na bahay.

Napag-alaman, wala ang mga magulang ng bata sa ‘di pa malamang dahilan nang mangyari ang sunog.

Agad namang ililibing ang labi ng biktima.

“His parents decided that the cadaver of the victim will be buried immediately after it was examined by Dra. Maria Victoria Rabara our municipal health officer,” ani ni Nieves. (DONDON DINOY)

 

125

Related posts

Leave a Comment