MAGSASAKA TATLONG ARAW TUMAGAY, NAMATAY NALUNOD SA ALAK

QUEZON – Patay ang isang magsasaka matapos masobrahan at malason na sa alak na kanyang ininom sa bayan ng Pagbilao sa lalawigang ito.

Makaraan ang tatlong araw na pag-iinom, isinugod  sa ospital ang biktimang si Alvin Luna, 50-anyos, dahil hindi na makapagsalita at nahirapang huminga.

Ngunit nitong Lunes ay nalagutan ng hininga ang biktima habang nilalapatan ng lunas.

Ayon sa mga kaanak, araw ng Huwebes nang magsimulang makipag-inuman ang biktima  at uminom ng pinaghalong lambanog at isang local brand ng brandy.

Muli umano nitong inupakan ang natirang lambanog noong araw ng Biyernes at Sabado habang kainuman ang isang pinsan at nakaubos ng tinatayang tatlong litro ng alak.

Hanggan sa kinabukasan ay makaramdam ang biktima ng sintomas ng umano ay pagkalason sa lambanog.

Sa record ng ospital, respiratory failure at methanol toxicity ang ikinamatay ng biktima. (NILOU DEL CARMEN)

 

130

Related posts

Leave a Comment