IVANA: ‘I FEEL USED AND ABUSED!’

Bukod sa mga sexy photos sa kanyang Instagram account ay naka-aaliw rin ang videos ng aktres sa sariling YouTube channel nito.

“Actually it’s very unplanned. Kung ano lang ang pumapasok sa isip ko. Kunwari gigising ako, ‘Ay! Gusto ko nito!’ Hindi ko siya ginagawang scripted kasi masyadong fake. Gusto ko ipinapakita ko kung sino ako,” nakangiting bungad ni Ivana.

Nakararanas din ng pambaba-bash online ang baguhang aktres mula sa netizens pero hindi na lamang daw niya iniintindi ang mga ito.

“Wala akong pakialam sa kanila. Hindi naman umiikot ang mundo ko sa kanila and I’m happy na maraming nagmamahal sa akin. That makes me happy,” giit ng dalaga.

Samantala, kamakailan ay naakusahan ang dalaga nang hindi pagsipot sa isang event sa Davao.

Isang event organizer diumano ang nag-imbita at kumausap sa kampo ni Ivana upang pumunta sa event.

Inasahan daw ng mga taong naroon na talagang dadating ang aktres sa venue.

“Actually hindi siya dumaan sa managers ko and not go through me. Hindi ako dumidirekta because they were claiming that they went to me directly. Lahat ng dealings ko will go through my manager. I feel used and abused. Siyempre gusto ko ‘yung tamang proseso, di ba? Ayaw kong magpaasa ng tao, kasi ang daming nag-expect na pupunta ako tapos pinaasa ko sila. Ayaw ko ng gano’n, sana huwag na silang manloloko ng tao. Gusto kong magpasaya ng tao, magpasaya ng fans, tapos ang daming na-disappoint. Ang daming nagme-message sa akin na, ‘Akala ko pupunta ka.’ Kasi they really promoted it,” paglilinaw ng aktres.

 

217

Related posts

Leave a Comment