NATULOG SA WAITING SHED, LASING TINARAKAN

ILOILO City – Patay ang isang lasing na lalaki nang saksakin ng suspek habang natutulog sa waiting shed, iniulat nitong Miyerkoles ng umaga sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Jose Glen Vincent Barranco, 47-anyos, residente ng Brgy. Abangay, Janiuay, Iloilo City.

Agad namang nadakip ang suspek na si Leo Arca, residente ng Brgy. Mangil, Janiuay, ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng Janiuay Municipal Police Station, nangyari ang insidente sa waiting shed sa gilid ng kalsada sa Brgy. Mandong, Janiuay, Iloilo.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nag-aabang ng sasakyan ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang makatulog ito sa waiting shed dahil sa kalasingan.

Sakto namang napadaan ang suspek na galit na galit at armado ng kutsilyo na may habang walong pulgada.

Nang makita ang biktimang natutulog ay inundayan niya ito ng saksak sa dibdib at pagkaraan ay mabilis na tumakas.

Isinugod ang biktima sa ospital ngunit hindi umabot nang buhay habang nadakip ang suspek sa follow-up operation ng mga awtoridad.

Bago ang insidente, may nakaaway umano ang suspek sa isang lamayan at pinagpapalo ito.

Mabilis na umalis sa lamayan ang suspek para kumuha ng patalim ay babalikan sana ang kaaway ngunit ang walang kalaban-laban na biktima ang napagbuntunan ng galit.

Nabatid na labas-masok sa kulungan ang suspek dahil sa kasong robbery at illegal gambling, at ngayon ay nadagdagan ng murder. (ANNIE PINEDA)

 

199

Related posts

Leave a Comment