AMA’T INA SINAKSAK NG ANAK

PINIGILANG MAGLAKWATSA NAPRANING

CEBU- Bagaman hindi bangag sa pinagbabawal na droga at hindi rin lango sa alak, nagawang saksakin ng isang 26-anyos na lalaki ang kanyang mga magulang dahil lamang sa hindi pagpayag na maglakwatsa siya sa Talisay City.

Sa ulat ng Talisay City Police sa Cebu Provincial Police Office, inaresto ng mga pulis si Martin Fernandez, ng Barangay Mohon, Talisay City, na nahaharap sa kasong parricide at frustrated parricide.

Napatay ni Fernandez ang kanyang amang si Juanito Ferrocho, 57, habang nasa kritikal na kalagayan ang kanyang inang si Jen Fernandez, 49.

Ayon kay Patrolman Ariel Balde, ng Talisay-PNP, may hawak ng kaso, nag-paalaman si Fernandez sa kanyang mga magulang na lalabas ng bahay kasama ang kanyang barkada subalit hindi pinayagan ng kanyang mga magulang.

Dahil sa sobrang sama ng loob at galit, kumuha ang suspek ng kutsilyo at sinaksak ang natutulog niyang mga magulang.

Nagtangkang tumakas ang suspek subalit naagapan ito ng mga pulis.

Sinasabing hindi lasing sa alak at hindi rin lango sa droga ang suspek nang isagawa ang krimen. JESSE KABEL

 

438

Related posts

Leave a Comment