NADISMAYA SA KAMARA

kamara1

Dismayado naman si House committee on dangerous drug chairman Robert Ace Barbers dahil kahit marami nang paglabag sa batas at criminal activities ng POGO workers ay wala pa ring planong isara ito.

Ayon sa mambabatas, dito na ginagawa ng mga Chinese national ang kanilang criminal activities mula money laundering, drug trafficking, prostitution, kidnap for ransom at iba pa mula nang payagan ang operasyon ng POGO sa bansa.

Bukod sa hindi pagbabayad ng buwis, mistulang ginagago umano ng mga Chinese ang gobyerno matapos matuklasan na 4,000 sa POGO workers ay pare-pareho ang Tax Identification Number (TIN).

Hindi rin katanggap-tanggap na may 3,000 sundalo umano o miyembro ng People’s Liberation Army (PLA) ng China ang nasa bansa at nagpapanggap ng POGO workers.

Dahil dito, kailangang magdesisyon na aniya ang gobyerno sa lalong madaling panahon at isara ang POGO dahil habang nilalabag ng mga ito ang batas sa Pilipinas ay inilalagay ng mga Chinese sa alanganing sitwasyon ang bansa. CHRISTIAN DALE, ESTONG REYES, BERNARD TAGUINOD

170

Related posts

Leave a Comment